-- Advertisements --
ILOILO CITY- Naaalarma na ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng namamatay sa COVID-19 sa buong Panay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Daphynie Teorima, Medical Officer 3 ng DOH Region 6, sinabi nito na sa ngayon umaabot na sa halos 1,300 ang namamatay sa COVID-19 sa Panay Island.
Napag-alaman na 10 hanggang 20 ang namamatay dahil sa COVID-19 sa Panay bawat araw na nagresulta sa pagkumpulan ng mga bangkay sa nag-iisang crematorium sa lugar.
Sa ngayon anya, dahil pansamantalang itinigil ang cremation ng mga bangkay ng namatay sa COVID-19 sa Panay, walang magagawa ang mga local government unit kundi ipalibing ang mga ito sa loob ng 12 oras.