Binigyang-diin ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na hindi naililipat ang COVID-19 sa frozen foods.
Tugon ito ahensya kaugnay sa sinasabing ulat na ang mga frozen foods ay nagtataglay ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Mayette Bumanglag ng DOST-FNRI na mas maigi pa ring suriin nang mabuti ang mga pagkaing binibili sa mga supermarket lalo na ang mga frozen meat.
Payo ni Bumanglag, tingnan ang expiration date lalo na ang mga de lata at iba pang mga pagkain.
Kung tutungo naman aniya sa mga supermarket ay mayroon namang fresh produce na karne at laging i-check ang expiry date gayundin ang kulay ng karne.
Dapat umano ay walang mala-berdeng kulay dahil ang sariwang karne ay pinkish ang kulay.
Samantala, sinabi rin ni Bumanglag na kailangang mahugasan nang mabuti ang mga lulutuin para maiwasan na makapitan ng bacteria.
Dapat din aniya ay maging maingat sa sarili lalo na ang mga naghahanda ng pagkain at sumunod sa health protocol tulad ng palaging paghuhugas ng kamay.