-- Advertisements --

Magsisimula sa Lunes, Marso 22 ang pagtanggap ng Government Service Insurance System (GSIS) ng aplikasyon ng bagong COVI-19 emergency loan program.

Ayon sa GSIS, hanggang Hunyo 21 ay tatanggapin nila ang loan applications ng mga aktibong miyembro at pensioners.

Paglilinaw naman ng ahensiya, hindi na maaaring makapag-loan ang mga miyembro at pensioners na mayroon ng unang COVI-19 emergency loan.

Gaya noong 2020 ay aabot hanggang P40,000 ang maaaring utangin ng mga aktibong miyembro at habang ang mga miyembro na walang emergency loan ay makakautang ng P20,000.

Sa ilalim din ng bagong loan program, ang mga may disability at mga old-age pensioners ay maaaring makautang ng hanggang P20,000.

gsis