-- Advertisements --

Sumampa na sa 20 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID 19.


Nadagdag sa listahan ang 50-anyos na lalaking Police Non-Commissioned Officer (PNCO) mula sa NCRPO.

Sa ngayon nasa 6,300 ang bilang ng mga mga pulis na infected sa nakamamatay na virus.

Batay sa datos ng PNP Health Service, aabot na sa kabuuang 6,296 ang total confirmed cases sa PNP matapos madagdagan ito ng 26 na bagong kaso.

Walo rito mula sa NCRPO, tig 5 mula sa Central Luzon at Calabarzon habang tig dalawa naman mula sa National Administrative at Operations Support Units.

Habang tig isa naman ang naitala sa National Headquarters, Cagayan Valley, Easter at Western Visayas.

Mula sa nasabing bilang ng mga kumpirmadong kaso, bumaba na sa 909 ang bilang ng active cases matapos madagdagan ng 23 ang bilang ng mga gumaling kaya’t umakyat na ito sa 5,367.