-- Advertisements --

Halos mapuno na ang 344 bed COVID-19 field hospital na ginawa ng Manila City Government sa Luneta Park.

Ayon sa Manila City government na nasa 307 bed na ang okupado sa nasabing bilang.

Ang 4,402 square-meter hospital ay nakumpleto sa loob ng 52 araw na ginawa mula Abril 20 at natapos ng Hunyo 11 na nagkakahalaga ng P154 milyon.

Sa ngayon umaabot sa 1,707 na aktibong kaso ng COVI-19 ang naitala sa lungsod Manila kung saan 69,985 ang gumaling na at 1,374 ang nasawi.