-- Advertisements --
Bumaba sa dalawang porisyento ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David na maaring ito ay dahil sa tumaas ang kaso o naabot na ng limits ng testing capacity.
Mula kasi sa dating 3% ay naging 2% na lamang ang growth rate ng 7-day average.
Posibleng malapit na sa peak ang kaso ng COVID-19 sa NCR o ang bagong kaso sa NCR ay limitado lamang sa testing capacity.
Inaasahan na bababa ang COVID-19 infections sa Metro Manila sa mga susunod na araw.