-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawang pares ang ikinasal kasabay ng pagbubukas ng 74th Founding Anniversary ng Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang kasal ay isang sagradong pagtitipon na kung saan hindi lamang ang dalawang ikinakasal ang pinag-iisa bagkus dalawang pamilya.

Masaya at nagulat naman ang mga ikinasal sa isang garden inspired wedding na inihanda ng alkalde para sa mga ito.

Hindi anya hadlang ang pandemya sa mga nagmamahalan na ikinasal ng alkalde.