-- Advertisements --

Naniniwala ang OCTA independent research group na posibleng aabot sa mahigit 20,000 ang maitatalang kaso ng Covid-19 kada araw, ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso sa bansa dahil sa highly-transmissible na Delta variant.

Nitong Sabado, ang bansa ay nakapagtala ng record-high na 19,441 na bagong Covid-19 infections.

Sa ngayon pumalo na sa 1,935,700 ang kabuuang kaso ng Covid-19, sa nasabing bilang 142,679 or 7.4 percent ay active cases.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nananatili sa greater than 1 ang virus reproduction sa NCR.

Dagdag pa ni Guido na hindi pa rin nila masasabi na aabot sa 25,000 ang Covid-19 infection per day.

Aniya, sa first or 2nd week ng September, makikita ang peak, pero hindi pa rin ito garantisado dahil ang reproduction number bumababa.

Ang virus cases sa NCR ay tumaas ng 11 percent sa mga nakalipas na linggo at posibleng malapit na magkaroon ng negative growth rate.

Ang Metro Manila ay mananatili sa modified enhanced community quarantine hanggang September 7,2021.

Binigyang-diin ni David, na mas magiging effective ang granular lockdown sa NCR kung nabawasan ang hawahan at makikita na naka-concentrate sa ibang local areas.