-- Advertisements --
covid map who
Novel Coronavirus (COVID-19) Situation

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isa ng pandemic ang naunang pagtukoy sa COVID-19 bilang isang coronavirus outbreak.

Kapag nasa pandemic na ang isang sakit ay maituturing na kumakalat na ito sa buong mundo at hindi na ito mapipigilan pa.

Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, labis na silang nababahala sa pagdami ng mga nadadapuan ng virus at ito ay nakakaalarma na.

Sinasabing ang halos lahat ng mga bansa sa buong mundo ay meron ng kaso liban lamang sa kontinente ng Antartica.

Ang pandemic ang ibig sabihin ay “worldwide spread” ng isang bagong sakit.

Ang outbreak ay ang paglutang ng sakit o disease na hindi normal sa inaasahan ang pagkalat.

Ang epidemic naman ay ang paglaganap ng kaso ng sakit sa isang kumunidad o rehiyon.

WHO Dr Tedros nCoV coronavirus
WHO director-general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus

“WHO has been assessing this outbreak around the clock and we are deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity, and by the alarming levels of inaction.
We have therefore made the assessment that COVID-19 can be characterized as a pandemic,” ani Dr. Tedros. “Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death.”

Para sa WHO ngayon lamang sila nakakita ng sakit na naging pandemic na dala ng coronavirus.

Gayunman, nabuhayan naman ng loob si Tedros na ito ang uri ng pandemic na pwede rin naman daw ma-control.

“We have never before seen a pandemic sparked by a coronavirus. This is the first pandemic caused by a coronavirus. And we have never before seen a pandemic that can be controlled, at the same time.”

Sa huling pagtala ng WHO halos 4,300 na ang bilang ng mga namatay habang ang mga kumpirmadong kaso naman na kinapitan ng deadly virus ay mahigit na sa 118,000.

Ang China pa rin ang may pinakamalaking bilang kung saan doon pinaniniwalaang nagsimula ang virus na nasa mahigit 80,955 ang nagkasakit.

coronavirus 1
Coronavirus