-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naka-lockdown ngayon ang Sahmyook University sa Seoul South Korea dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Jerre Mae Tamanal, taga-GenSan City at ngayo’y assistant researcher ng nasabing unibersidad, suspended na ang kanilang klase na magsisimula sana nitong huling linggo nitong buwan.

Aniya, ni-lock ang top gate ng paaralan dahil mayroong isang Mongolian na positibo sa COVID-19 kung saan ito’y namatay nitong Martes ngunit inaalam pa kung dahil nga ba sa virus o sakit nitong liver cancer ang ikinamatay nito.

Ang misis ng naturang foreigner ay nag-aaral sa Sahmyook University kayat isinailalim na ito quarantine matapos na marami na ring nakasalamuha.

Sa susunod pa umano malalaman kung isasarado ba ang university o hindi.

Sa ngayon nagtatrabaho pa rin mga professors ngunit hindi na mag-e-entertain ng mga estudyante at outsiders bilang safety measures kontra covid-19.

Ang Sahmyook Universityay isang private, Christian, coeducational university na nasa Metropolitan Seoul, South Korea.