Kinumpirma ni Sen. “Bong” Go na kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) para magdeklara ng state of public health emergency sa bansa.
Ito’y ilang oras lamang matapos ang anunsyo ng DOH na may unang kaso na ng local transmission ng Coronavirus Disease (COVID)-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Go, nag-usap sila ng pangulo at pareho rin naman ang kanyang suhestyon bilang chairman ng Senate Committee on Health.
Wala pa namang official announcement ang Malacañang hinggil sa naturang deklarasyon.
Una nang idineklara ng DOH ngayong araw ang “Code Red sublevel 1” na nag-aalerto sa mga pribado at pampublikong ospital hinggil sa posibilidad na dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa. (with report from Bombo Reymund Tinaza)