ROXAS CITY – Posible umanong tumagal pa ng anim na buwan ang lockdown sa Australia kahit kontrolado na ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa.
Sa report ni Bombo International Correspondent Angel Lou Horneja, isang Capizeña at nagtatrabaho bilang caregiver sa naturang bansa, sinabi nitong sobrang agresibo ang Australian government sa pagharap ng COVID-19 crisis sa kanilang bansa.
Ayon kay Horneja na mahigpit ang ipinapatupad na lockdown sa Australia at inaaresto ng mga otoridad at pinapatawan ng multa ang sino mang lalabag dito.
Bukod dito, istrikto ring ipinatutupad ng Australian government ang social distancing at “no face mask policy” para maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang lugar.
Samantala, naglaan naman ng ayuda ang gobyerno ng Australia sa mga apektadong mamamayan partikular na sa mga senior citizens kung saan binibigyan nila ito ng allowance linggo-linggo.