-- Advertisements --

Muling pinalawig ni Prime Minister Jacinda Ardern ng apat na araw ang ipinatutupad na lockdown sa pinakamalaking siyudad ng New Zealand dahil pa rin sa COVID-19.

Paliwanag ni Ardern, kailangan ito upang siguruhin na makokontrol nila ang mga nadagdag na kaso ng virus sa lungsod ng Auckland.

Hindi pa rin aniya babawiin ang mga ipinabang stay-at home order sa Auckland hanggang sa araw ng Linggo.

“These extra four days are believed necessary to allow us to move down a level in Auckland, and stay down,” wika ni Ardern.

“We want both confidence and certainty for everyone.”

Maalalang inilagay sa lockdown ang lugar matapos na makapagtalang muli ng COVID-19 case ang New Zealand matapos ang mahigit tatlong buwang walang community transmission.

Mula sa apat ay lumaki pa sa 101 ang cluster, at hindi pa raw matukoy sa ngayon ng mga health authorities ang pinagmulan nito sa kabila ng pinaigting na genome testing at contact tracing.