ROXAS CITY – Nakatakdang ibaba sa level 3 mula sa level 4 ang ipinatupad na COVID-19 lockdown ng New Zealand government sa susunod na linggo.
Sa report ni Bombo International Correspondent Benjamin Alfred Baril, sinabi nito na unti-unti nang bumababa ang naitalang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Aniya, unti-unti na ring bumabalik sa normal ang operasyon ng mga essential establishments, transportasyon at mga paaralan.
Samantala, istrikto pa rin ang ipinapatupad na social distancing at travel restrictions sa naturang bansa.
Nabatid na agad nagpatupad ng lockdown ang New Zealand Government kung saan umabot pa ito sa alert level 4 matapos na nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, umaabot na sa 1,451 ang kabuuang kaso ng deadly virus sa New Zealand kung saan 14 dito ang binawian ng buhay.