ROXAS CITY – Isinusulong ngayon ni dating Prime Minister Dr. Surapong Seubwonglee sa Kingdom of Thailand ang coronavirus disease (COVID-19) massive testing.
Ito ang inulat sa Bombo Radyo Roxas ni Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, nagtatrabaho bilang isang guro sa naturang bansa.
Aniya isinusulong ang massive testing upang matukoy ang mga ‘asymptomatic’ cases at mailagay sila sa isolation area.
Nakahanda naman umano ang gobyerno ng bansa na magsagawa ng testing sa 20, 000 indibidwal sa loob ng isang araw.
Sa ngayon ay mayroon umanong 77 testing laboratories ang bansa at posible pa itong madagdagan ngayon buwan ng Abril.
Nagkakahalaga umano ng 3, 000 Baht ang pagsasailalim sa COVID-19 test at maaring ma-reimburse sa pamamagitan ng Social Security Office o COVID Insurance.
Sa ngayon ay naitala sa bansa ang kabuuang 2, 369 na mga kaso ng naturang sakit kung saan 888 sa mga ito ay tuluyan nang naka-recover at mayroong pang 1, 451 na naka-confine sa ospital.
Naitala naman ang 30 COVID-19 death toll sa naturang bansa.