Isasama na ng Department of Health (DOH) ang pamamahala sa covid-19 measures sa iba pang health programs ng bansa simula sa Enero ng susunod na taon.
Sa madaling salita ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, hindi na magiging special program ang covid-19 sa bansa kundi magiging parte na ito ng clinical practice guidelines sa mga pagamutan.
Layunin nito ani Vegeire na mawaksi na ang mindset na maparalisa dahil sa banta ng impeksiyon mula sa coronavirus.
Halimbawa nito ay ang mga covid-19 measures gaya ng pagsusuot face mask, paghuhugas ng kamay, social distancing at pag-isolate kapag may sakit ay maaari na ring i-apply para maagapan ang ibang sakit gaya ng hand, mouth and foot disease na nakitaan ng paglobo ng bilang ng dinadapuan partikular sa NCR mula Oktubre hanggang Disyembre 6 kung saan karamihan ng tinatamaan ng sakit ay mga batang edad 11 anyos pababa.