Masayang ibinalita ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na nag-improve na ang mortality rate ng Pilipinas sa loob ng tatlong buwan na pakikipaglaban nito sa coronavirus infectious disease.
As of June 13, nasa 4.24% na lamang ang naitatalang patay sa COVID-19 mula sa 5.52% noong May 31.
Patunay aniya ito na ang bilang ng mga pumanaw ngayong buwan ay hindi kasing taas sa mga naitala noong Marso at Abril.
Ayon sa kalihim, mas mababa ito sa kasalukuyang global case fatality rate ng buong mundo na nasa 5.6% kahapon, Hunyo 13.
Ang magandang balita na ito aniya ay dahil na rin sa sakripisyo ng bawat isa para protektahan ang mga nakatatanda at maging ang mga indibidwal na nasa vulnerable population.
Pinasalamatan din ng kalihim ang mga local government units na patuloy ang ginagawang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.
Gayunman, nagbabala pa rin si Vergeire na posibleng bumaliktad ang kasalukuyang natatamasang improvement ng bansa kung magpapabaya ang mga Pilipino.