-- Advertisements --

Ipinagpaliban na ng Department of Tourism ang ikinasa nitong nationwide month-long sale sa susunod buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

“Given the alarming rise in coronavirus disease (COVID-19) infections all over the world during the past few days, the Department of Tourism (DOT) has postponed the nationwide mall sale portion of the 2020 Philippine Shopping Festival until further notice,” ani Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Kung maaalala, nag-desisyon ang DOT na hikayatin ang mall owners sa buong bansa na magpatupad ng sale sa buong buwan ng Marso para makahakot ng mga turista at mamimili.

Bunsod ito ng naging epekto ng COVID-19 sa turismo ng Pilipinas matapos ipatupad ang travel ban sa China, Hong Kong at Macau.

Batay sa pagtatala ng National Economic and Development Authority, tinatayang higit P22-bilyon ang posibleng mawala sa kita ng turismo sa bansa sa isang buwan.

Pero ayon sa DOT, kung tatagal ng hanggang Abril ang kanselasyon ng mga flights papunta at palabas ng Pilipinas, ay posibleng lumobo ng hanggang higit P40-bilyong ang lugi sa tourism sector.

Paliwanag ni Sec. Puyat, hindi maaaring isantabi ang kaligtasan ng publiko para lang matugunan ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 kaya nila itinigil muna ang planong mall sale.

“As much as we want to mitigate the economic impact of the COVID-19, the safety of our citizens remains our priority. We advise the general public to maintain proper hygiene and follow the guidelines set by the Department of Health to contain the spread of the virus,”

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na sundin ang payo na precautionary measures ng Health department.

Una ng naglabas ng advisory ang DOH kaugnay ng proper hygiene at pagpunta ng publiko sa matataong lugar.