Tiniyak ng Pinoy officials sa Taiwan na hindi gagantihan o babalikan ng employers doon ang mga Pilipinong manggagawa na ngayon pa lang makakabalik at makakarating dahil sa kaka-lift lang na travel ban.
Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo sa isang interview, makakaasa ang returning overseas Filipino workers sa Taipei na protektado ang mga ito ng kanilang koordinasyon sa Taiwanese government.
Magugunita na maraming OFW na nagbakasyon ang hindi agad nakabalik sa Taiwan matapos ipatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang ban noong February 11.
Ani Banayo, mismong Ministry of Labor ng Taiwan ang nakipagusap sa mga employers doon para i-extend ng mga ito ang kontrata ng mga Pinoy na na-miss ang flights dahil sa travel restriction.
Iginiit naman ng opisyal na nananatiling kalmado ang sitwasyon ng novel coronavirus (COVID-19) sa Taiwan dahil sa mga nakalipas na araw ay wala umanong naitatalang bagong kaso.