Patuloy ang paglaganap ng COVID-19 Omicron variant sa buong mundo kung saan 13 kaso ang namataan sa the Netherlands, dalawa sa Denmark at Austria.
Ito ay kahit pa mas maraming mga bansa na ang nagpatupad ng mga travel restrictions laban sa mga travelers mula sa mga bansa na may presensya ng bagong variant.
Sinabi ng Dutch health authorities na ang 13 kaso ng variant ay natagpuan sa mga tao sa dalawang flight na dumating sa Amsterdam mula sa South Africa noong Biyernes.
Isinailalim sa testing ang mahigit 600 pasehero mula sa dalawang flight at natuklasan ang 61 mga kaso ng coronavirus.
Ang pagkatuklas sa Omicron, na tinawag na “variant of concern” noong nakaraang Linggo ng World Health Organization, ay nagdulot ng pag-aalala sa buong mundo na maaari nitong labanan ang mga pagbabakuna at pahabain ang halos dalawang taong pandemya ng COVID-19.
Una itong natuklasan sa South Africa, natukoy na ngayon sa Britain, Germany, Italy, Netherlands, Denmark, Belgium, Botswana, Israel, Australia, at Hong Kong.
Ang Omicron ay potensyal na mas nakakahawa kaysa sa mga naunang variant, bagama’t hindi malinaw kung nagdudulot ito ng higit o hindi gaanong malubhang COVID-19 kumpara sa iba pang mga strain.