-- Advertisements --
Ipinauubaya na Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ang desisyon hinggil sa pagdaos ng graduation rites at moving up ceremonies sa gitna nang suspensyon sa pasok bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, kanselado na ang graduation rites sa darating na Abril 3.
Pero sa kabila nito ay sinabi ni Sevilla na maari namang i-reschedule o tuluyan nang huwag nang ituloy ang graduation rites pero kailangan muna itong ikonsulta sa mga magulang ng mga mag-aaral.
Nauna nang idineklara ang suspensyon sa pasok at school activities sa lahat ng lebel sa buong Luzon ng hanggang Abril 14.