-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Gaganapin na naman ngayong araw ang pang-apat na pangkat ng Dugong Bombo New Normal 2020.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, local government unit ng lungsod at Philippine Red Cross.

Ngayong araw ay gagawin ang blood letting activity sa Macanhan,Brgy Carmen nitong lungsod.

Magsisilbi namang malaking hamon ang coronavirus pandemic sa gaganaping blood letting activity lalo pa’t may parte ng barangay ang isinailalim sa lockdown dahil sa nangyaring local transmission ng virus.

Ngunit tiniyak ni Philippine Red Cross Blood Bank Manager Dra. Christina Pelaez na walang dapat ikabahala dahil patuloy nilang susundin ang minimum health protocols sa pagseguro na maging ligtas ang mga bloood donors sa venue laban sa Covid-19 infection.

Una nang sinabi ni City Health Office head Dr. Lorraine Nery na hindi dapat maging hadlang ang kinakaharap na pandemya upang magsagawa ng blood letting activity bilang sagot sa kinukulang na suplay ng dugo.

Napag-alaman na maraming mga blood donors ang natuwa at sumusuporta sa pagsasagawa ng Dugong Bombo 2020 lalo na ngayong may health crisis.