-- Advertisements --

Matagal pa bago tuluyang matapos ang COVID-19 pandemic.

Ito ang naging babala ng World Health Organization (WHO) kahit na hindi gaanong mapaminsala ang Omicron coronavirus variant.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron sa buong mundo ay hindi malabong mayroong bagong variant ang lilitaw.

Patuloy din ang panghihikayat nito sa mga bansa ng pantay na pamamahagi ng bakuna lalo na sa mga malilit na kontinente gaya ng Africa na malaki sa populasyon nila ang hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.