LAOAG CITY – Posibleng magsilbing armas ng Republican Party at Democratic Party ang mahirap na sitwasyon ng coronavirus pandemic sa Estados Unidos para sa November presidential election.
Sa naging report ni Bombo International News Correspondent Rey Ortal Villanueva ng Los Angeles, California, lumalabas na malakas ang stimulus package para sa pangangampanya ng Republican Party.
Ito ay dahil ilalagay umano ang pangalan ni Pangulong Donald Trump sa kaliwang bahagi ng cheque bago ibigay sa mga residente na walang bangko at hindi pa nakakatanggap ng stimulus package.
Sinabi ni Villanueva na agad kinontra ng Democratic Party ang gagawin ng kalabang partido at itinuturing na pangangabuso sa kaban ng gobyerno ang hakbang nila.
Nalaman pa ni Villanueva na sinabi ni Internal Revenue Service Manager associations president Chad Hooper, na hindi matutuloy ang ninanais ni Pangulong Trump dahil posibleng madelay pagbibigay sa mga cheque.