VIGAN CITY – Nararanasan na umano sa bansang Costa Rica ang ikalawang bugso o 2nd wave ng COVID- 19 pandemic.
Ito ay batay sa ulat ni Bombo International Correspodent Cal Carreon na tubong Rizal na nagtatrabaho bilang call center agent at presidenye ng Filipino community sa nasabing bansa.
Ibinahagi sa Bombo Radyo Vigan ni Carreon na halos malapit na umanong makamit ng pamahalaan ng Costa Rica ang pag-flatten ng curve ng first wave ng COVID-19 pandemic ngunit dumami pa ang mga naapektuhan kaya ngayon ay nasa 2nd wave na sila.
Maganda umanong balita dahil sa halos 1,000 na kaso ng nasabing sakit sa Costa Rica ay wala namang Pilipinong naapektuhan ng virus.
Samantala, nagkaroon umano ng pagbabago sa restriction sa oras ng maaaring paglabas ng mga residente mula 5:00 am hanggang 10:00 pm tuwing weekdays at 5 am to 7 pm tuwing weekends.