-- Advertisements --
Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Setyembre 2022 ang state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa pangulo na layon ng pagpapalawig ng state of calamity ay para maipagpatuloy ng gobyerno ang kanilang COVID-19 vaccination program at paggamit ng nararapat na pondo kabilang ang Quick Respond Fund.
Nakasaad din sa Proclamation 1218 ang pag-atas sa mga otoridad na i-monitor at kontrolin ang presyo ng mga basic necessities at prime commodities na magbibigay ng basic services sa mga tao.
Unang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa anim na buwan na state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic noong Marso 2020 hanggang pinalawig ito sa katapusan ng Setyembre ngayong taon.