Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring tatagal pa hanggang taong 2022 ang COVID-19 pandemic.
Ito ay sa kadahilanang ang mga mahihirap na bansa ay hindi pa raw nakakakuha ng tamang bakuna na kanilang kailangan.
Sinabi ni Dr Bruce Aylward, senior leader ng WHO, mas mababa sa 5 percent na populasyon ng Africa ang nabakunahan kumpara sa ibang bansa na nasa 40 percent na.
Ang UK ay nakapag-deliver na ng mahigit 10 million na bakuna sa mga bansa na nangangailangan ng bakuna.
Dahil dito, umapela si Dr Aylward sa mga mayayamang bansa na i-give up muna ang kanilang pakikipagpilahan para sa mga bakuna upang mas gawing prayoridad ng mga pharmaceutical company ang mga lowest-income countries.
“I can tell you we’re not on track” ani Dr Aylward. “We really need to speed it up or you know what? This pandemic is going to go on for a year longer than it needs to.”