-- Advertisements --

Nagbabala ang ilang opisyal ng northwestern US state of Washington na delikado ang balakin ng ilang mga residente na magsagawa ng “COVID-19 parties.”

Layon daw ng ganitong pagtitipon na sadyain na ipakalat ang virus sa iba.

Ayon kay John Wiesman, ang state secretary of health, ang pagtitipon ng mga grupo ay masyadong napakadelikado sa kalusugan na maaaring magdulot sa pagkaospital o pagkamatay kung mahawa sa deadly virus.

Kung tutuusin sa ngayon hindi pa umano alam kung ang gumaling na sa COVID ay taglay pa rin sa mahabang panahon ang proteksiyon.

Ang pahayag ni Wiesman ay matapos na iulat ng mga opisyal ng Walla Walla County, na nasa 260 miles ng southeast ng Seattle, na halos 100 kaso sa rehiyon ay sinadyang ipakalat sa pamamagitan ng “COVID-19 parties.”

“We need to use this time to use good common sense and to be smart as we move through this pandemic so that we can begin to reopen our community,” ani Meghan DeBolt, ang Walla Walla community health director. “COVID-19 parties: not part of the solution.”