-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Muling nalagay sa panganib ang mga mamamayan ng Seoul, South Korea, matapos ang ilang linggo na wala na sanang naitalang kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ito ay dahil sa 200 katao na na-infect ng iisang positive COVID-19 patient na lumabas sa kaniyang bahay at pumunta sa apat na lugar kung saan nakasalamuha niya ang mahigit sa 5,000 katao.

Ayon kay Bombo International Correspondent Yumi Kim, palaisipan sa ngayon sa gobyerno ng South Korea ang naging motibo ng 29-anyos na Koreano sa pagpasyal nito sa mga club at nakahawa.

Sa nasabing bilang, 2,000 pa lamang ang na-trace ng health authorities at lahat ng mga ito ay naka-strict home quarantine na.

Ang naturang Koreano ay mahaharap sa patong-patong na kaso at naka-isolate na siya ngayon sa isang pasilidad sa Seoul.