-- Advertisements --
COVID PATIENT HOSPITAL CEBU SUICIDE

CEBU CITY – Blangko pa ngayon ang pulisya sa motibo nang pagpakamatay ng isang COVID-19 patient matapos itong tumalon sa ikatlong palapag ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa lungsod ng Cebu kung saan ito naka-admit.

Kinilala ang biktima na si alyas Juan, 48, residente ng Tres de Abril, Brgy. Labangon sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Major Elisandro Quijano ang hepe ng Abellana Police Station, sinabi nito na agad silang rumesponde sa naturang lugar nang matanggap ang report ngunit hindi sila pinalapit sa katawan ng biktima dahil sa sakit nito.

Basi sa initial investigation, dead on the spot ang biktima.

Pinaniniwalaan naman na dahil umano sa sakit nitong COVID-19 kaya nawalan ng pag-asa pang gumaling na nagbunsod hanggang sa pagpapatiwakal.

Agad ding na-cremate ang katawan ng biktima.

Patuloy pa namang nakikipag-ugnayan ang pamilya nito sa naturang pagamutan.

Habang makikipagtulungan din ang pulisya sa pamunuan ng VSMMC para sa patuloy nilang imbestigasyon sa nangyari sa nasabing pasyente.

CEBU HOSPITAL COVID PATIENT