-- Advertisements --

Pinapayagan na ng Singapore na makalabas sa ospital ang mga pasyente sa oras na mag-negatibo ang mga ito sa dalawang coronavirus swab tests.

Batay sa isang pag-aaral, malabo na raw na makahawa ng virus ang isang COVID-19 positive patient sa ika-11 araw ng kaniyang pagkakasakit.

Nabatid na kayang i-detect ng test ang genome mula sa virus ngunit hindi malinaw kung fragments lamang ito ng nakamamatay na virus.

Gayunman, ayon sa mga eksperto sa Singapore na maaari pa ring magbago ang discharge criteria ng mga ospital ngunit kailangan umano na manggaling ang desisyong ito sa Ministry of Health (MOH).

“The Ministry of Health will closely study the position statement and evaluate how we can incorporate the latest evidence on the period of infectivity for persons with Covid-19 into our patient clinical management plan,” pahayag ng MOH.

Dagdag pa ng ahensya na ang ginagawang medical strategy ng Singapore sa pangangasiwa ng mga pasyente ay may patnubay mula sa pinakabagong local at international clinical at scientific evidences.

Sa oras na tanggapin ng MOH ang mga datos mula sa naturang pananaliksik ay halos 80% ng mga pasyente ang pauuwiin matapos ang 11 araw.