-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang City Health Office ng Koronadal sa natuklasang pag-uwi sa lungsod ng isang COVID-19 positive na tumakas sa isolation facility sa Quezon City at gumamit ng umano’y mga pekeng dokumento kabilang na ang health certificate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Dr. Edito Vego, City Health Officer ng Koronadal, tumawag sa kanilang LGU Quezon City upang ipaalam ang pagkawala ng isang Ginang na COVID-19 positive.

Agad umanong nagsagawa ng imbestigasyon ang kanilang tanggapan at napatunayan na may nakauwing isang Locally Stranded INdividial (LSI) na dumalo pa sa lamay ng kamag-anak nito kung saan marami itong mga nakasalamuha.

Sa ngayon, nasa isolation facility na ang GInang na nakauwi at umano’y tumakas sa isolation sa Quezon City.

Muli din itong isinailalim sa test at inaantay pa ang resulta habang nagpapatuloy naman ang contact tracing samga nakasalamuha nito, mula sa sinakyang eroplano, Van at kamag-anak nitong dumalo sa lamay.