-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng DOH-RESU NA may naitalang 5 panibagong positibong kaso ng Covid-19.

Ngayong araw din nakapagtala ng pinakabatang nagpositibo sa COVID-19 na si patient CV1073, babae, 1 year old, mula sa Barangay Minante 1, Cauayan City.

Siya ay kasama ng kaniyang mga magulang na galing sa Sta. Ana, Manila at umuwi sa Isabela noong September 8, 2020.

Siya ay asymptomatic samantalang ang kaniyang mga magulang ay negatibo sa COVID-19.

Ang iba pang nagpositibo sa virus ay si patient CV1088, lalaki, 40 anyos na asawa ni patient CV964 samantalang si CV1091, lalaki, 9 anyos na anak ni patient CV964.

Si CV1090, lalaki, 58 anyos ay ama ni patient CV966.

Si CV1089 ay lalaki, 24 anyos, may travel history sa Manila, Bulacan at Albay.

Siya ay umuwi sa Isabela noong September 5, 2020.

Sa kasalukuyan, tumaas sa 31 ang bilang ng positibong kaso sa Cauayan City.