-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 99 katao mula sa Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Japan ang nagpositibo sa novel coronavirus.

Ayon sa Japanese Ministry of Health, ito na ang pinakamaraming bilang na naitala na nadapuan ng virus sa loob ng isang araw.

Ang nasabing bagong kaso ay naitala matapos na simulan na ng US at ilang mga bansa sa paglisan ng kanilang mga mamamayan na pasahero ng nasabing barko.

Sa ngayon ay mayroong kabuuang 456 na pasyente na nagpositibo sa Covid-19 sa kabuuang 3,600 na pasahero.

Umaabot na rin sa 513 ang kaso ng Covid-19 sa Japan.