Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 2.4% ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.
Idinagdag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng NCR, o ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri, ay tumaas mula 2.0% hanggang 2.4%.
Kung matatandaan, ang positivity rate sa rehiyon ay nasa 2.5% noong Enero 20.
Nakapagtala ang bansa ng 199 na bagong impeksyon sa COVID-19, na nagpababa sa aktibong bilang sa 10,038.
Una na rito, ang NCR ay nananatiling rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 858, sinundan ng Calabarzon na may 433, Western Visayas na may 256, Central Luzon na may 216, at Davao Region na may 196.