-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ang positivity rate o bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo na nasuri mula sa COVID-19 test sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David mula sa 8.2% positivity rate sa Novembe 5 , bumaba ito ng 7.5% noong November 12.

Nakapagtala rin ng pagbaba sa iba pang lugar kabilang ang Batangas, Cavite, Davao del Sur, Iloilo, Misamis Oriental, Rizal, South Cotabato, at Zambales.

Subalit naobserbahan naman ang pag-akyat ng mga kaso ng covid-19 sa Cagayan, Camarines Sur at sa Pampanga.

Sa kabuuan ang positivity rate sa nakalipas na November 6 hanggang 12 sa buong bansa ay nasa 10.4% mas mababa sa 11.3% na naitala sa nakalipas na linggo base sa data ng Department of Health (DOH).