Bumaba sa 11.5 percent ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, ngunit tumaas ito sa apat na probinsya ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni OCTA fellow Guido David, bumaba ang positivity rate sa Metro Manila mula 13.9 porsiyento noong Disyembre 17 hanggang 11.5 porsiyento noong Disyembre 24.
Ang positivity rate sa Metro Manila ay higit pa sa limang porsyentong antas na itinakda ng World Health Organization.
Idinagdag pa ng OCTA na ang makabuluhang pagtaas ng positivity rate ay naitala sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga at Pampanga.
Ang pinakamataas na pitong araw na positivity rate ay sa Ilocos Sur sa 44.8 porsyento noong Disyembre 24 mula sa 30.6 porsyento noong Disyembre 17; sinundan ng Kalinga na may 41.7 percent mula sa 26.2 percent.
Tumaas din ang positivity rate sa Albay mula 23.3 porsiyento noong Disyembre 17 hanggang 35.4 porsiyento noong Disyembre 24; habang ang Pampanga ay may 17.0 percent positivity rate mula sa 12.5 percent.
Naitala ang pagbaba ng positivity rate sa Bataan, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Mountain Province, Pangasinan, Rizal, Tarlac at Zambales.