
Iniulat ng OCTA Research na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga nasuri sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David Jr, ang COVID-19 positivity rate sa rehiyon ay bumaba ng 21.2% base sa datos noong Mayo 28 na mas mababa sa 25.2% na naitala noong Mayo 21.
Bumaba din ang reproduction number sa 0.97 batay sa datos noong Mayo 26.
Samantala, inaasahan ng OCTA ang 1,300 hanggang 1500 na bagong kaso ng Covid ngayong araw.
Ayon pa kay Dr. David, nananatiling mataas ang positivity rates ang karamihan sa iba pang mga lugar sa Luzon.
Gayunpaman, nakapagtala naman ng pagbaba sa COVID-19 positivity rates ang mga lalawigan ng Batangas, Batanes, Bulacan, Camarines Sur, cavite, Isabela, Laguna, Rizal at Zambales.