-- Advertisements --
covid 19 534x450 1

Tumaas pa sa 12.4 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa ulat ng independent monitoring group OCTA Research, tumaas ang kaso ng Covid-19 sa 12 probinsiya ng Luzon.

Ang mga lugar na nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay kinabibilangan ng Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, at Zambales.

Bumaba naman ang kaso ng Covid-19 sa Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, at Tarlac.