-- Advertisements --
image 66

Bumaba sa 1.8% ang COVID-19 positivity rate ng bansa ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow na si Dr. Guido David at sa Department of Health (DOH), mayroong 156 na bagong kaso ng COVID-19, 14 ang namatay, 179 ang naka-recover, at 9,626 ang aktibong kaso sa buong bansa.

Ang National Capital Region, ang may pinakamaraming bagong kaso na may kabuuang bilang na 53.

Ayon kay David, 100 hanggang 150 bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ang inaasahan sa mga susunod na araw.

Kaugnay niyan, ang COVID-19 tally ng bansa ay nasa 4,073,706, habang ang aktibong impeksyon ay tumaas sa bilang na 9,626.

Nauna nang iniulat ng Department of Health na ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 688, Calabarzon na may 335, Western Visayas na may 221, Davao Region na may 208, at Central Luzon na may 160 na kaso.