-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate o bilang ng nagpopositibo mula sa mga nasuri para sa COVID-19 sa bansa na pumalo sa 18.1% nitong Disyembre 22.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang panibagong covid-19 positivity rate ay base sa December 22 report ng Department of Health kung saan nakapagtala ng 557 na bagong impeksyon sa sakit kung saan nasa 235 dito ay mula sa Metro Manila.

Bunsod ng naitalang bagong kaso, umakyat sa kabuuang 5,569 ang aktibong kaso.

Inihayag din ni Dr. David na posibleng tumaas sa 500 hanggang 600 ang bagong kaso.

Ang panibagong COVID-19 positivity rate at mas mataas kumpara sa 16.7% na naitala noong Miyerkules at sa 15.8% na naitala noong Lunes.

Ang mga naitalang covid-19 positivity rate nayong linggo ay lagpas sa 5% threshold ng WHO na palatandaan na under control ang hawaan ng naturang virus.