-- Advertisements --

Ipinag-mamalaki ngayon ng local government unit ng Taguig City na nasa 98.44 percent na ang kanilang recovery rate sa Covid-19 mas mataas ito sa 95.19 percent na naitala sa buong Metro Manila.

Ito ang binigyang-diin ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa isang pahayag.


Iniulat ni Cayetano na mababa din ang fatality rate ng siyudad na nasa 1.10 percent o mababa sa 1.84 percent na naitala sa kalakhang Maynila.


Mababa rin ang bilang mga indibidwal na infected ng nakamamatay na virus matapos ma exposed sa isang Covid-19 positive individual.


Batay sa datos ng City Epidemiology Disease Surveillance Unit na of December 5, ang limang active cases per 100,000 population na naitala sa Taguig City ay mas mababa ito kumpara sa 20 cases per 100,000 population sa buong Metro Manila.

Sa ngayon ang Taguig ay mayruong 45 active cases, pinaka mababa ito sa buong Metro Manila.

Naniniwala si Mayor Cayettano na dahil sa bayanihan spirit ng mga residente ng Taguig kaya mababa ang Covid-19 cases sa siyudad.

Apela ng alkalde sa mga constituents nito na ipagpatuloy ang pagtupad sa safety and health protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields, at palagiang maghugas ng kamay.

“We can fight Covid-19 with the proper protocols, proper enforcement, and public cooperation. Let us continue to help each other to ensure our city remains safe,” wika ni Cayetano.


Sa ngayon ang Taguig ang may pinaka mababang Covid-19 cases sa buong Metro Manila.

Naglaan din ng Covid-19 Hotline ang Taguig, layon nito para harapin at sagutin ang mga katanungan at concerns tungkol sa Covid-19.