-- Advertisements --

Plantsado na ang mga hakbang na gagawin ng Inter-agency Task Force kasabay ng pagdating ng mga Pilipinong crew at pasahero ng Diamond Princess cruise ship mula Japan sa Linggo.

Ayon sa Department of Health, parehong procedure lang tulad ng ginawa sa mga Pinoy mula Wuhan City, China ang ipapatupad sa higit 480 Pinoy na humiling ng assistance para sa repatriation.

Mula sa 44 na Pilipinong nag-positibo sa COVID-19 habang nasa barko, isa na ang gumaling.

Vina-validate pa ng DOH ang ulat na nadagdagan ng walo ang bilang ng mga Pinoy na positibo sa sakit.

“The IATF resolved to adopt a repatriation plan for the return of Overseas Filipinos (OFs) aboard the M/V Diamond Princess Cruise Ship. DOH is currently in close coordination with the IATF member agencies, the World Health Organization, the Philippine Embassy in Japan, and the Magsaysay Maritime Corporation for the repatriation of around 460 to 480 Filipinos aboard the cruise ship who requested assistance to return to the Philippines,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

“DOH shall provide health human resources and their transportation to the quarantine site, on-site medical needs of the repatriates, hospitalization expenses through Philhealth, and personal protective equipment (PPE) for the first five days of the quarantine period.”

Sasagutin ng Magsaysay Maritime Corporation ang pamasahe ng lahat ng repatriates mula Japan hanggang matapos ang kanilang 14-day quarantine sa New Clark City.

“On the other hand, Magsaysay Maritime Corporation will bear the cost of all transportation expenses of the repatriates from Japan until completion of the quarantine period; PPE for the remaining period of the quarantine period, food, lodging, personal hygiene kits and disinfectants, waste disposal services; and other incidental expenses of the repatriated crew.”

“The Department of Transportation will shoulder the transportation of repatriates from Haribon Airport to New Clark City, while the OWWA will provide livelihood packages to the repatriates, and their transportation from Manila to their respective destinations after the quarantine period.”

Bukas, isang send off activity ang gagawin sa higit 30 Pinoy galing Wuhan na tapos ng mag-quarantine sa NCC. Kasama nila ang 19 na quarantine officers na nag-assist sa kanila sa loob ng dalawang linggo. Wala sa kanila ang nag-positibo sa COVID-19.