Bumaba pa sa 0.57 ang reproduction rate ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong puwedeng mahawaan ng isang taong mayroong kaso ng covid.
Ayon sa OCTA Research team ang data ay naitala mgayong araw.
Ang reproduction rate ay maikokonsidera umanong low risk na mas mababa pa sa 0.60 COVID-19 reproduction number sa NCR na naitala noong Huwebes.
Maliban dito, sinabi ng OCTA Research team na ang growth rate ng bagong COVID-19 cases ay bumaba rin sa 17 percent sa parehong period kumpara noong nakaraang linggo.
Ang average daily attack rate (ADAR) o bilang ng mga bagong daily cases per 100,000 ay 11.87 noong October 10 hanggang 16.
Samantala, ang healthcare utilization rate ngayon ay nasa 44 percent, habang ang ICU utilization ay nasa 62 percent na parehong naitala noong Oktubre 15.