-- Advertisements --

Posible raw na mas mababa pa sa 1 ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) reproduction number sa National Capital Region sa ikatlong linggo ng Setyembre.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa average number ng secondary infections ng nga infected na indibidwal sa naturang nakamamatay na virus.

Sa inilabas na report ng OCTA Research group kung titignan ang data ng reproduction number ay bumaba ito sa 1.39 ngayong araw, September 2 kumpara sa 1.43 noong Agosto 31.

Dahil dito, base sa kasalukuyang trends, posibleng bumaba pa ang reproduction number ng below 1 sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan.

Noong nakaraang lingo, nasa average na 4,637 na bagong infections sa seven-day period, mas mataas ng 12 percent sa mga nakaraang taon.

Samantala, bumaba na raw ang reproduction number ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, bumaba ng 1.43 ang reproduction ng covid noong Agosto 31, 2021.

Ang naturang figure ay mas mababa sa 1.56 na nai-record noong August 24, 2021.

Bumaba rin umano ang reproduction number sa Quezon City (1.27) at Manila (1.33).

Kung maalala ang NCR ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang September 7.

Pero nanguna pa rin sa mga probinsiya at rehiyon na mayroong pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto na mayroong 3,515 cases.