Ibinida ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga nagawa ng Department of National Defense (DND) sa paglaban sa Pandemya Sa pagdiriwang ng kanilang ika 81 anibersary.
Sa “virtual anniversary celebration” ng DND, Kinilala ng kalihim ang malaking papel ng AFP sa pangunguna sa mga Covid containment and mitigating efforts.
Kabilang dito ang paghahatid ng supplies at tauhan na panlaban sa covid, pagpapauwi sa mga stranded na indibidual sa Pilipinas at sa abroad, pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga Covid patients, at pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailan sa pamamagitan ng mobile kitchens.
Bukod pa aniya sa pagpapatupad ng mga quarantine measure ay naging instrumento rin ang AFP sa matagumpay ba pamamahagi ng Social Amelioration Package para sa mga naapektohan ng pandemya.
Ayon sa kalihim, Hindi ordinaryo ang nakalipas na taon pero sa kabila ng pagkaabala sa pandemya ay nagawa parin ng kagawaran at ng militar na gampanan ang kanilang mandato na itaguyod ang seguridad ng bansa.
Kabilang sa kanilang tagumpay ang pagpapasuko sa 14,000 na kasapi ng kilusang komunista at ang pag clear ng pinaka-maraming NPA Guerilla fronts sa buong dekada.
Ipinagmalaki din ng kalihim ang mga bagong gamit ng AFP kabilang ang BRP Conrado Yap at BRP Jose Rizal ng Phil. Navy, at ang Super Tucano close air support aircraft na kapalit ng broncho OV-10 bomber plane ng Philippine Air Force, na mas lalong makapagpapalakas sa kakayahan ng militar.