-- Advertisements --
Nakatakdang magbigay ng $10-million na donasyon ang video platform na TikTok bilang response efforts ng World Health Organization (WHO) sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa inilabas na pahayag ng nasabing Chinese video-sharing social networking service, pinapasalamatan nila ang malaking kontribusyon ng mga health workers na nangunguna sa pagsugpo sa nakakamatay na virus.
Magagamit ang nabanggit na halaga sa pagbili ng WHO ng mga kakailanganin ng mga health workers at frontliners.
Kabilang na ang naturang digital platform na nagbigay ng donasyon sa WHO na ngayon ay aabot na lahat sa mahigit $100 million.