Tinanggal na ng gobyerno ng Denmark ang lahat ng COVID-19 restrictions sa buong bansa.
Ayon kay Danish Health Minister Magnus Heunicke na ang paggamit ng mga face mask sa indoor, paggamit rin ng “Covid pass” sa mga bars, restaurants at indoor venues ganun din ang legal obligation na mag-self-isolate kapag nagpositibo sa nasabing virus.
Dagdag pa nito na kanila lamang ibabalik ang paghihigpit kung talagang kinakailangan.
Isa aniya sa naging dahilan ng pagtanggal ng restrictions ay dahil sa malawakang pagbabakuna ng COVID-19 at ang booster shots.
Aabot na kasi sa mahigit 81% ng populasyon Denmark ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Inamin naman ni Soren Brostom ang director-general ng Health Authority sa Denmark na mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa pero bumaba ang mga nadadala sa intensive care unit.
Inirekomenda rin ng gobyerno ang pagkakaroon ng home test bago ang pakikisalamuha sa maraming tao lalo na sa mga vulnerable sectors.
Nauna ng sinabi ni Denmark Prime MInister Mette Frederiksen noong Enero na magkakaroon na ng kapiyestahan ang paparating na mga araw.