-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong lalawigan ng Aklan dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD), bumaba ng -7% ang growth rate sa Aklan mula Hulyo 23 hanggang Agosto 5 buhat sa dating 12.67% na growth rate noong Hulyo 9 hanggang 22.

Maliban dito, bumaba rin ang average daily attack rate sa 23.16% cases per 100,000 population sa loob ng dalawang linggo sa parehong petsa mula sa dating 24.97% sa lumipas pang dalawang linggo.

Ito ay nangangahulugan umanong bumagal na ang pagdagdag ng bagong kaso.

Nananatiling mababa o nasa moderate risk ang ‘healthcare utilization rate’ sa lalawigan sa 66.53%.

Tanging ang lalawigan ng Antique ang napabilang sa ilalim ng high-risk category habang ang Capiz, Iloilo, Negros Occidental at Bacolod ay nasa low risk.

Maliban sa Aklan, ang siyudad ng Iloilo ay kasama rin sa moderate risk.