-- Advertisements --
Naniniwala ang OCTA Research group na posibleng pumalo sa 20,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa susunod na mga linggo.
Kasunod ito ng pagtala ng mahigit 10,000 na kaso sa loob ng isang araw nitong Miyerkuels.
Sinabi ni Octa fellow Dr. Guido David na malaki ang posibilidad na dumuble o aabot pa ng mahigit 20-K na kaso kada araw ang maitatala.
Subalit paglilinaw ito na depende pa rin ito sa gagawing hakbang ng gobyerno para tuluyang mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.